Kanonisasyon ni Blessed Calungsod nais saksihan ng libu-libong Pinoy

LIBO-LIBONG Filipino ang nagpaplanong magtungo sa Rome, Italy para saksihan ang kanonisasyon ni Blessed Pedro Calungsod sa Oktubre 21.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president at Cebu Archbishop Jose Palma, may 3,000 visa application na silang natanggap at iniendorso patungo sa naturang bansa.

Dahil sa dami umano ng endorsement na nilagdaan ni Palma, lumiham na sa kanya ang Italian Embassy hinggil dito.

“In fact, the Italian Embassy wrote to me about it and said that I’m signing too many endorsements. I said to them that it’s my duty to sign, it’s your duty to screen,” kuwento pa ni Palma.

Hindi naman na umano nasorpresa pa si Palma kung bakit marami ang interesadong lumahok sa okasyon dahil marami umano ang nagsasabi na kaanak sila ni Calungsod.

“Over in Cebu we usually say sainthood is relative. If you become a saint you discover that you have many relatives,” aniya.

Inihalimbawa pa ni Palma ang isang 85-taong gulang na lalaki na nagpupumilit na magtungo sa Roma dahil kamag-anak umano niya si Calungsod.

Dahil mahina na ang katawan nito ay kinakailangan pa siyang samahan ng kaniyang mga anak.

Nilinaw naman ni Fr. Ildebrando Leyson, postulator at co-chairman ng Commission on Blessed Pedro Calungsod’s Canonization, kakaunti lamang ang mga bagay na alam ng lahat hinggil kay Calungsod at ni wala umanong nakakaalam kung saan talaga siya nagmula.

Nabatid na si Calungsod ay kilala lamang bilang isang teenager na tubong Visayas dahil ang baptismal record nito mula 1660s ay wala na.

Batay naman sa historical research, ilan sa lugar na posibleng pinagmulan ni Calungsod ay ang Ginatilan sa Cebu, Hinunangan sa Hinundayan sa Southern Leyte, Molo sa Iloilo at Loboc sa Bohol.

Tiniyak naman ni Palma na pagkatapos ng kanonisasyon sa Roma ay may national celebration sa Cebu City sa Nobyembre 30 para sa mga hindi makakapunta sa Roma bilang pasasalamat sa pagbibigay ng Diyos ng bagong santo sa Pilipinas.

“That day, as a nation, we will thank the Lord for this new saint,” aniya pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply