Kapalit ni Brady, di minamadali – M’cañang

HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin kung sino ang magiging kapalit ni Ambassador to China Sonia Brady na na-stroked noong nakaraang linggo at kasalukuyang naka-confine sa Beijing hospital.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, hindi pa rin nag-uusap sina Pangulong Benigno Aquino III at DFA Secretary (Albert) Del Rosario dahil kasalukuyang nasa Syria ang kalihim.

“So hindi pa napag-uusapan ‘yon. But I can confirm. At least it has been confirmed that a shortlist has already been presented to the President by the Secretary of Foreign Affairs. But since the SFA is not here at the moment, hindi pa sila nag-uusap ni Pangulong Aquino,” anito.

Sa kabilang dako, hindi naman nagmamadali ang Malakanyang na agad na mapalitan si Ambassador Brady dahil nais nilang makasiguro na karapat-dapat ang magiging kapalit nito.

“We want to make sure that we have a good replacement to Ambassador Sonia Brady. But, in the meantime, while we are looking for a replacement the charge d’ affaires is very capable of handling the day-to-day concerns of the Philippine Embassy in China. He’s been there for sometime so he’s fully aware of the concerns and the problems and issues governing our Filipino compatriots in China. So it’s being worked out,” ang litaniya ng opisyal.

Wala namang ideya kung muling pipili si Pangulong Aquino ng isang career service sa naturang posisyon.

Subalit, biglang bwelta naman ito sa pagsasabing limitado lamang ang kanyang nalalaman ukol sa usaping Ambassador Brady.

“My limitation is I’m not aware of the shortlist submitted by Secretary Del Rosario. So I wouldn’t be able to comment on whether it’s an outsider or an insider. It really depends on the shortlist submitted by Secretary Del Rosario,” ani Lacierda.

Samantala, sa ulat sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na pawang mga career diplomats ang nasa shorlist na ibinigay niya kay Pangulong Aquino para maging kapalit ni Ambassador Brady.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply