Kapitan, tripulante niratrat ng kasamahan, patay

NASAWI ang isang kapitan kasama ang isang tripulante nito makaraang pagbabarilin ng kasamahan nila sa loob mismo ng sinasakyang nakadaong na M/V Sarah Margarita sa Pasig River sa Manila kaninang madaling araw, Setyembre 7.

Ayon sa report sa radio,  nakilala ang mga nasawi na sina  Captain Manuel Ramiro, at ang tripulanteng si Rolando Rodriga na binaril sa mismong loob ng naturang tanker barge habang kinilala ang suspek na si  Reynaldo Bulawan, isang pump man sa nasabi ring sasakyang pandagat.

Nabatid na palagi umanong nagwawala ang suspek sa tuwing nalalasing ito.

Napag-alaman pang pabalik na sana sa Bataan ang tanker barge at dumaan muna sa management terminal ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Pasig River malapit sa Delpan, Manila at habang nakadaong ay doon na uminom ng alak ang suspek.

Nang malasing umano, bigla na lamang niyang pinagbabaril ang dalawang biktima na naglakad lang palabas ng barge matapos ang ginawang krimen.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply