Karambola ng sasakyan, 24 patay, 23 sugatan

TEHRAN, Iran – Patay sa malagim na aksidente ang 24 katao nang bumaligtad sa kalsada ang kanilang sinasakyang bus na nagresulta rin para magbanggaan ang dalawa pang sasakyan sa Iran kaninang umaga (Setyembre 3).

Bukod sa mga namatay na Shiite pilgrims, 23 rin ang sugatan, ayon sa report ng Iranian media.

Kabilang sa mga namatay ay ang 19 na pilgrims na sakay ng bus at lima naman ang namatay sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Ang bus ay nagmula sa holy city ng Karbala sa Iraq at patungo sa Shiraz na makasaysayang lugar sa Iran.

Ayon sa fire chief sa Shiraz, nakatulog umano ang driver ng bus habang nagmamaneho.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply