‘Karen’ nasa Aurora na, lalong lumalakas

NAMATAAN na sa Aurora ang lumalakas pa na bagyong Karen habang nasa silangang bahagi ng karagatang sakop ng Luzon.

Sa nakalipas na anim na oras ay halos walang nakitang malaking paggalaw ang Pagasa forecasting center sa nabanggit na sama ng panahon.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 740 km sa silangan ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 130 kilometro kada oras at pagbugsong 160 kilometro bawat oras.

Kumikilos ito ng pahilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Samantala, isa na namang namumuong sama ng panahon ang namataan sa 580 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply