Karpentero nagpatiwakal

NAGPATIWAKAL ang isang karpentero sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili kaninang madaling araw sa loob ng kanilang bahay sa Libis Nadurata, Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Nelson Tengco, 48, binata, ng 6183 Libis Nadurata ng nasabing lungsod.

Ganap na alas 4:45 ng madaling araw ng madiskubre ng nakatatandang kapatid na si Aracili Tengco, 56, na nakahandusay sa loob ng sala ng kanilang bahay ang katawan biktima na may nakapulupot ng nylon cord sa leeg nito.

Dahil sa natuklasan pangyayari ni Aling Aracili, agad humingi ng tulong sa mga awtoridad at tumalima naman ang mga barangay tanod sa pangunguna ni Ronel Dela Cruz .

Palaisipan naman sa mga imbestigador na sina P02 Enrique Pangan at P02 Cesar Garcia dahil ang nagpatiwakal na kanilang inabutan ay sa halip na nakabitin ito ay pahiga sa sala pero may taling nylon cord sa leeg.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply