Kasisilang na sanggol, natagpuang patay sa basura

PATAY na nang madiskubre ang isang duguan at napupuluputan pa ng umbilical cord ang isang kasisilang pa lamang na sanggol na lalaki nang matagpuan sa bunton ng basura ng mga naghahakot ng basura kahapon
ng umaga sa Makati City.

Ibinalot pa sa isang plastic bago pinadaganan ng maruming damit at sira-sirang tarpaulin ang patay na sanggol nang itapon sa kanto ng Zapote at Montojo St., sa Barangay Sta Cruz sa naturang lungsod.

Ayon kay Barangay Chairperson Virginia Salengga ng Barangay Sta Cruz, hahakutin na lamang ng mga basurero ang tambak ng mga basura dakong alas-6:30 ng umaga kahapon nang biglang lumaylay ang kamay ng sanggol mula sa bitbit na bunton ng basura ng isa sa mga basurero.

Nang bulatlatin ng mga basurero ang plastic na nakabalot, tumambad ang duguan at posibleng kasisilang lamang na sanggol na napupuluputan pa ng umbilical cord.

Ayon kay Salengga, nagpakalat na siya ng kanyang mga tauhan sa nasasakupang barangay na magsisiyasat at tutukoy kung sino ang nagtapon ng patay na sanggol upang mapanagot sa batas ang hindi maka-Diyos at makataong gawain.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply