Ex-FG Arroyo ipinababsura sa Sandigan ang kaso kaugnay ng NBN-ZTE deal

NAGTUNGO ngayong umaga si dating First Gentleman Mike Arroyo sa 4th Division ng Sandiganbayan para ihirit na ibasura na ang kaso laban sa kanya hinggil sa maanomalyang NBN-ZTE deal ng nakalipas na administrasyon sa Chinese government.

Kinuwestiyon ni Atty. Edna Batacan, abogado ng dating Unang Ginoo ang hurisdiksyon ng Sandiganbayan sa kliyente dahil hindi naman ito isang public official.

Bukod dito, iginiit rin ng kampo ng dating First Gentleman na hindi rin natuloy ang kontrata kaya walang kaso.

Binigyan naman ng korte ang prosekusyon ng 15 araw upang magsumite ng komento sa hiling ng dating First Gentleman.

Sampung araw naman ang ibinigay sa depensa para sagutin ang magiging tugon ng prosekusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply