Kaso ng Filipino nurses vs discrimination sa California, wagi

NAGWAGI ang isang grupo ng Filipino-American Hospital Employees sa California sa kanilang kasong national origin discrimination and harrassment laban sa Delano Regional Medical Center, isang ospital sa Central Valley.

Ayon sa Asian Pacific American Legal Center (APALC), naipanalo ang kaso pabor sa 69 na Filipino-Americans na nabiktima ng diskriminasyon matapos silang i-single out nang ipatupad ang English only policy na isang paglabag sa Federal at state law.

Sinabi ni Laboni Hog, Litigation Director ng APALC, na pumayag ang ospital na magbayad ng $975,000 sa mga biktima.

Umaasa si Hog na ang malaking settlement na binigay ng Delano ay magbigay ng mensahe sa ibang employer na huwag itong gayahin at sa iba pang immigrants na Asian Americans na huwag pumayag na malabag ang kanilang karapatan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply