Kaso ng leptospirosis sa QC lumobo

DAHIL sa pananalasa ng hanging Habagat o monsoon rains na nagdulot ng pagbaha sa Metro Manila nitong nakaraang buwan, sumirit sa 340 porsiyento ang kaso ng leptospirosis, ayon sa ulat kaninang umaga (Setyembre 6) ng isang Quezon City Health official.

Sinabi ni Dr. Rolly Cruz, hepe ng city health department’s epidemiology unit, na napansin nila na tumaas ang bilang sa 346 cases na mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.

Ang ulat aniya ay isang major increase mula sa 78 cases na kanilang naitala sa kaparehong buwan noong 2011.

Karamihan sa naturang kaso ay kinasasangkutan ng kalalakihan na ang edad ay mas bata sa 20-anyos.

Karamihan sa kaso ay nagmula sa flood-prone areas tulad ng Baesa, Gulod, at Tatalon, dagdag pa ng ulat.

Sa nasabing mga kaso, mahigit sa 50 ang dinala sa San Lazaro Hospital sa Maynila para magpagamot.

Pinaalalahanan din ni Cruz ang mga residente laban sa hindi pagpansin sa mga sintomas ng leptospirosis tulad ng coughs at colds na kaso lamang ng trangkaso, at idinagdag na dapat na silang magpatingin agad sa doktor.

Sinabi ng US National Library of Medicine na ang leptospirosis ay isang bihira at mapamuksang bacterial infection na umaatake kapag ang isang indibidwal ay laging nakababad sa baha na kontamninado ng ihi o dumi ng hayop.

Ang sintomas nito ay aabutin ng dalawa hanggang 26 araw o average ng 10 araw bago ito ma-develop. May kasama itong dry cough, fever, headache, muscle pain, nausea, vomiting, at diarrhea, shaking chills, abdominal pain, abnormal lung sounds, bone pain, conjunctivitis, enlarged lymph glands, enlarged spleen o liver, joint aches, muscle rigidity, muscle tenderness, skin rash at sore throat.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply