Kaso sa pagpatay sa brodkaster sa Bicol, nanganganib na mabasura

NANGANGAMBA si Gabriela congresswoman Emmi de Jesus na baka mabasura ang isang kasong nakasampa kaugnay ng pagpatay sa isang brodkaster sa Bicol.

Ayon kay De Jesus, ilang beses nang hindi sinipot ni Fiscal Antonio Ramos ang pagdinig kaugnay sa pagkakapatay kay Bicol broadcaster Miguel Belen.

Si Belen ang unang mamamahayag na pinatay sa ilalim ng gobyernong Aquino.

Hindi raw mabibigyan ng mabilis na katarungan ang mga biktima at magpapatuloy pa rin ang pagpatay sa mga kagawad ng midya samantalang mahina ang gubyerno sa pagpapatupad ng batas.

Nananawagan si De Jesus na kumilos na si Presidente Aquino kung ayaw niyang magigng madugo ang kanyang daang matuwid.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply