Kasong treason vs PNoy, Trillanes, binalewala ng Malakanyang

BINALEWALA lamang ng Malacañang ang isinampang kasong treason ni Atty. Oliver Lozano laban kina Pangulong Benigno Aquino at Senador Antonio Trillanes IV.

Nabatid na pagsasampa ng kaso ay nag-ugat nang akusahan ni Lozano ng pagtataksil sa bansa sina Pangulong Aquino at Senador Trillanes matapos ang sinasabing backdoor negotiation ng Pilipinas sa China.

Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda, bilang abogado, dapat ay alam ni Lozano na hindi maaaring sampahan ng anumang kaso ang Pangulo ng bansa dahil sa immunity nito.

Dapat naman umanong patunayan ni Lozano ang mga akusasyon niya laban kay Senador Trillanes.

Ayon kay Lacierda, nakita na niya ang ilang kasong isinampa ni Lozano noon at ang komento lang ni Lacierda ay kulang ito sa legal scholarship.

Samantala, ayaw nang lagyan pa ng kulay ng Malakanyang ang hindi pagdalo ng iba pang mahistrado ng Korte Suprema sa flag raising ceremony kahapon sa tanggapan ng SC sa Maynila.

Ito ang tugon ng palasyo sa sinasabing hindi umano sinusuportahan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang pagkakatalaga ni Aquino kay chief justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Lacierda, may 18 taon pa si Sereno sa Korte Suprema at maraming flag raising ceremony pa ang madadaluhan ng mga mahistrado nito.

Hindi na, aniya, sila magkokomento pa sa issue na ito upang maiwasang malagyan pa ng kulay ang hindi pagdalo sa flag raising ceremony.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply