Katarantaduhan ng SSS at VK sa Malabon uubusin

IPABUBUSISI na ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta ang nagkalat na video-karera (VK) na iniulat na mahigit siyam na taon nang namamayagpag dito sa kabila ng mga reklamo ng mga residente.

Tiniyak ng isang dating brgy. official na ngayon ay “kadikit” ni Mayor Lenlen na gusto na umanong linisin ng alkalde ang mga iligal na sugal na nagkalat sa Malabon para maipakita sa mga residente na desidido siya sa kanyang kampanya para sa lubusang pagbabagong-imahe ng Malabon.

Inutusan na umano ni Mayor Lenlen Oreta si Chief of Police S/Supt. Ferdinand Ampil na umpisahan na agad ang pagwasak sa VK machines na napag-alamang pag-aari ni Boboy Go at maging ang malakasang “tupada con sakla” tuwing Linggo sa Cadima, Brgy. Tonsuya na pinatatakbo naman ng isang brgy. official.

Aabangan natin, parekoy, ang gagawing hakbang ni Col. Ampil kung talagang susundin niya si Mayor Oreta o patutunayan niya ang umano’y lingguhang “tanggapan” ni Chief!

-o0o-

ILANG matatandang SSS beneficiary ang nagreklamo kaugnay sa kabalbalan ng SSS.

Nagdududa umano ang SSS na marahil ay “tigbak” na itong matatandang pensioner kaya inobliga silang pumunta nang personal sa SSS office.

Pagdating doon ay ilang oras na pinaghintay ang nasabing matatanda. Nang mapatunayang buhay pa nga sila ay saka sinabihang ire-revalidate muna ang kanilang mga pensiyon at bubuuin na lang sa buwan ng Nobyembre.

Tangnang katarantaduhan ‘yan, parekoy, nitong SSS, gusto yata nilang tigbakin na nang tuluyan ang mga matatandang ito! Aba eh, matapos pahirapang uugod-ugod na pumunta sa kanilang opisina ang matatanda at paghintayin ng mahabang oras, biglang bubuuin raw ng apat na buwan ang pensiyon nila!

Ano na lang ang magagamit nilang pambili ng gamot, vitamins, etc.? ‘Di kaya talagang sinasadya ito ng SSS para magkandamatay na ang mga pensiyonado?

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply