Katarantaduhan sa “ACOP” ng SSS

MAY nagpadala sa atin ng text messages na nagpaki-lalang empleyado ng Social Security System o SSS.

Kanyang tinuran na mali ang ating naunang isinulat hinggil sa katarantaduhan ng SSS sa pagkumpirma sa pensioners ng SSS.

Ipinatutuon rin ng nasa-bing texter ang ating aten-syon sa patakaran nila sa tinatawag na Annual Con-firmation Of Pensioners.

Mayabang mag-text ang walanghiya, nasaktan daw siya sa ating isinulat dahil matino at isang ordinaryong empleyado lang!

Alam ko, parekoy, na ba-basahin ito ng texter, kaya nga ipinaaabot ko sa kanya na kung talagang matino si-yang empleyado ng SSS ay hindi para sa kanya ‘yung na-una kong isinulat.

Dahil ang tinutukoy ko roon ay ang katarantaduhan niyang bwisit na patakaran ng SSS kaugnay sa kanilang ACOP.

Nakasaad doon na ang taunang ACOP ay sa pamamagitan ng pag-report ng pensioners sa kanilang tanggapan maliban lang kung nakaratay, nasa abroad o matanda na.

PUNTO- May record naman ang SSS sa pagkatao ng kanilang pensioners, hindi ba nila alam kung sino sa mga ito ang uugod-ugod na?

Bakit hindi na lang puntahan ng SSS ang mga ito?

Nasaktan daw itong ating texter sa ating isinulat.

Hindi ba mas masakit ang ginawa ng SSS kay Teodula Panes Villaruel na kahit 82 anyos na ay napilitang pumila at pinaghintay sa tanggapan ng SSS dahil dyan sa ACOP?

Pagkatapos ay wala man lang kumpletong paliwanag, basta na lang sinabihan na hintayin na lang sa Nobyem-bre ang para sa tatlong bu-wan niyang pensyon?

Alam ba ng lintek na opisyal na may akda ng patakaran ng ACOP na tuliro ngayon si Villaruel kung saan mangungu-tang ng pambili ng gamot, vitamins at panggastos hanggang sa Nobyembre, 2012? Ilan pa kayang ma-tatandang pensioner ang
pinahihirapan ng SSS-ACOP?

Hindi ba totoong pilit na tinitigbak sila ng SSS? Pwe!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply