Katarata at macular degeneration epekto ng paninigarilyo

AYON kay Dr. Ulysses Dorotheo, ng South East Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA) na isang ophthalmologist, ang paninigarilyo ay maaring ikasanhi ng catarata na umabot sa pagkabulag ng isang tao. Alam ito ng mga kasapi ng New Vois Association na isang pangunahing disability advocacy organization dito sa Pilipinas.

Epekto ng paninigarilyo sa  mata.

Cataract (katarata).
Ang paninigarilyo ay pinaniniwalaang nagpapalubha sa ilang kundisyon sa mata. Ang mga nagsisigarilyo ay may 40 porsiyento na mas mataas na panganib na magkaroon ng katarata, ang pag-ulap-ulap ng lente ng mata na tumatakip sa liwanag at maaaring magresulta sa pagkabulag. Ang usok ng sigarilyo ay nagbabawas ng mga anti-oxidant sa dugo at naglalaman ng mga kemikal na nagdudulot ng pagbawas ng sirkulasiyon ng oxygen sa mata.

Macular degeneration.
Ang mga nagsisigarilyo ay may 60 porsiyento na mas mataas na panganib na magkaroon ng macular degeneration. Ang paninigarilyo ay iniuugnay din sa age-related macular degeneration, isang uri ng hindi nagagamot na sakit sa mata na sanhi ng paghina ng gitnang bahagi ng retina o “macula”. Ang macula ay responsable para sa matuwid na pokus sa central vision ng mata at kumokontrol sa kakayahan sa pagbasa, sa pagmamaneho ng sasakyan, pagkilala sa mukha ng tao o maging ng kulay ng anumang bagay at makita ang mga bagay sa malinaw na detalye.

θ θ θ θ θ

Nais ko po batiin ang mga empleyado ng Power Mac Robinson Magnolia Branch at kina Graciano Hisoler III, John Benedict Sison at Lofer Morales. Maraming Salamat sa maganda serbisyo at pag asikaso sa inyong lingkod.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply