Katorse natagpuang hubo’t hubad, walang malay

RIZAL—Hubot hubad at walang malay ng matagpuan ng mga residente ang 14 anyos na dalagita sa isang malalim na bangin kagabi sa Antipolo City.

Ang dalagita na nakagapos pa ang mga kamay at paa ay hinihinalang ginahasa ng hindi pa kilalang suspek at saka itinapon sa bangin.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi sa Forestville Subdivision, Brgy. San Isidro, Antipolo City.

Ang biktima ay agad na isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City kung saan ay nilalapatan ng lunas.

Hinihintay naman ng mga imbestigador na magkamalay ang dalagita para makuhanan ng mahahalagang impormasyon kung sino ang salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply