Katrina Halili makalalabas na ng ospital matapos manganak

MAAARI nang makalabas ng ospital si Katrina Halili matapos niyang maipanganak sa pamamagitan ng ceasarian operation ang kanyang baby girl na si Katrence (baby Katie).

Agad na ring nagpa-breastfeed si Katrina gaya ng advise sa kanya ni Jennylyn Mercado na isa sa nagpasuso ng kanyang anak.

Tatlong linggo hanggang isang buwan magpapahinga si Katrina bago nito simulan ang pagpapayat.

Tuloy pa rin ang plano ng aktres na sa January 2013 na pabinyagan ang kanyang baby na may timbang na 6.6 lbs kasabay ng kanyang birthday.

Hanggang ngayon ay emosyunal pa rin ang sexy actress matapos isilang ang malusog na baby girl nila ng boyfriend at Prince of Soul na si Kris Lawrence.

Matatandaang naging kontrobersyal ang aktres matapos kumalat ang maiinit na sex videos nila ni Hayden Kho, pero nanatili pa rin sa tabi ni Halili si Lawrence.

Ayon sa singer, laking pasasalamat nito sa Panginoon dahil ibinigay sa kanya ang “best thing” sa mundo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply