Katrina, nagluwal ng 6.6 lbs. baby girl

ISA nang ganap na ina ang aktres na si Katrina Halili nang ligtas na mailuwal ang 6.6 lbs. na sanggol noong Setyembre 18, Martes, ang bunga ng kanilang pagmamahalan ni Kris Lawrence.

Maluwalhating nagluwal si Katrina sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City  via caesarean section, bandang 7:00 p.m.. Pinangalanan nila itong Katrence Halili Lawrence Cadevida.

Ipinahahatid ng Hataw publisher na si Mr. Jerry Yap at anak nitong si Vhani, ang kanilang pagbati kay Katrina.

Sobrang saya naman ang naramdaman ni Lawrence kaya’t ‘di napigil ang pagpo-post sa kanyang Twitter account ng: “Katrence is here!!!! She’s the most beautiful thing ive ever seen…”

“Im feeling emotions that i never even knew existed…thank you Lord. This is the best thing thats ever happened to me.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply