Kawalan ng disiplina ang sanhi ng basura

SA kabila ng babala ni DENR Secretary Ramon JP Paje, patuloy pa rin ang mga taong “pasaway” sa walang pakialam na pagtatapon ng basura kung saan – saan. Wala silang pakialam kung mapuno man ang ilog, estero, kanal at kalupaan ng basura na tumutuloy ang kabuuan sa Manila Bay na kung saan kapag nagkaroon ng paglaki ang dagat dahil sa bagyo ay bumabalik at nagkalat ang walang katapusang basura.

Kahit na inuumpisahan na natin ang paggamit ng mga supot na papel para maging eco-friendly ang paligid, hindi pa rin ito magiging madali sapagkat ang supot na papel ay hindi pwedeng mapaglagyan ng mga bagay na dapat lamang ay sa plastic nakalagay.

Ayon kay Secretary Ramon JP Paje ng Department of Environment and Natural Reources (DENR), lahat ng bagay na may kinalaman sa plastic ay magiging maayos , kung aalisin ng bawat isa sa atin ang katigasan ng ulo at kawalan ng disiplina sa paraan ng pagtatapon ng basura.

Plastik man ito o papel kung sa tamang paraan at kaayusan ilalagay at itatapon ay makikinabang at mapabubuti ang paraan sa pagdispatsa at higit sa lahat walang magbabarang kanal, estero, ilog na nagiging sanhi ng pagbaha at kapahamakan ng lahat.

Kung nais natin may malinis na kapaligiran, dapat  maisapuso ang 3R’s – Reduce, Reused  at Recycle.  Putulin na ang katigasan ng ulo at pagwawalang bahala sa mga nangyayari, “Tulungan natin ang pamahalaan na magkaroon ng malinis na kapaligiran at higit sa lahat ang tamang pamamaraan sa pagtapon ng basura”.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply