Kawani ng DoE todas sa atake sa puso sa Taguig

ATAKE sa puso ang nakikitang dahilan ng pagkamatay ng isang kawani ng Department of Energy (DOE) nang matagpuang nakahandusay sa loob ng compound ng naturang kagawaran kaninang umaga sa Fort Bonifacio Taguig City.

Hawak pa ng biktimang si Aser Bugas, 49, stay in employee sa DOE ang kanyang dibdib  nang matagpuan ng security guard na si Gener Amira sa gilid ng NPTL Building sa loob ng compound alas-8:05 ng umaga kanina.

Kaagad na inireport ni Bugas kay Senior Insp. Patricio Manlimid, hepe ng Police Community Precinct (PCP) 7 ng Taguig police ang pagkakatagpo sa bangkay ng kawani na nag-utos kaagad ng masusing pagsisiyasat.

Sa ginawa namang imbestigasyon ni SPO1 Razel Gaspar ng Investigation Section ng Taguig police, walang bakas ng anumang karahasan ang naganap at wala ring nawala sa mga personal na gamit ng biktima nang matagpuan sa naturang lugar.

Lahat ng mga personal na gamit ng biktima ay ibinigay ng pulisya sa kanyang anak na si Kathleen Grace.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply