KBP tinanggal ng Comelec bilang poll watch dog

IBINULGAR ni Senador Alan Peter Cayetano na tinanggal ng Commission on Election (Comelec) sa listahan ng poll watch dog ang Kilusan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na nagpatingkad na may magaganap na dayaan sa 2013 mid term election.

Sa ginanap na press briefing, sinabi ni Cayetano na inalis sa accreditation bilang poll watch dog ang KBP dahil nagkakaproblema umano sa paghahatid ng election data

“In 2010 national elections, results were simultaneously transmitted to municipal, Comelec central office, and KBP. Earlier, they (Comelec) admitted there would no more transmission of election data to KBP,” ayon kay Cayetano matapos ang budget hearing ng ahensiya sa Senado.

“The Comelec said, only from them na lamang kukunin ang election data to make it official because, as they explained earlier, there are errors in the transmission. But, what I am saying that if there would be errors in the transmission, may problema sa automation,” giit pa ni Cayetano.

Sinabi ni Cayetano na hindi maaaring magkaroon ng problema sa transmission ng election data dahil isang pamamaraan lamang ang ginagamit na teknolohiya tulad sa pagpapadala ng text message na kahit ilan ang taong padadalhan ng mensahe, makararating ito na may katulad na mensahe.

“IIsa lamang ang ipinadadalang data, tatlong beses lang para kang nagpadala ng text messages, which you can send it to three different persons but with the same message,” dagdag niya.

“So, hindi dapat maiba ang transmission. I am so concern about is we are being complacent na parang nangyari noong 2010 automation, ganito rin ba ang mangyayari sa 2013,” ani Cayetano.

Dahil dito, naniniwala si Cayetano na magkakaroon ng dayaan sa magaganap na halalan sa 2013 na kung saan tatakbo silang bilang reelectionist sa Senado.

“Kaya huwag kayong mag-alala, magkakaroon ng dayaan, but the way the Comelec is doing now for 2013 automation, they are opening up all loopholes for the syndicate to prosper in the poll body,” ayon sa senador.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply