Kedebon itatambal kay Melai Cantiveros? (Ganuned?)

PANGARAP ng couple na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na makasal sila sa simbahan before the year 2012 ends. Not for anything else, kailangan nila ang basbas ng simbahan para sa mga legal aspects ng kanilang pagsasama.

Wala raw masyadong funfare, parang family affair lang kung tutuusin ang magaganap na kasalan.

Kaya nga raw sa tanong na kung iimbitahan si BB. Gandanghari pag ikinasal sila, very much on the negative ang sagot ni Camina. “Hindi na kailangan,” sey ng actress/host.

Oo nga naman, baka maging katawatawa ang senaryo kapag naroroon si Bb. Gandanghari na rating asawa ni Carmina.

Baka manakawan pa sila nito ng eksena.

—@@@—

AS OF NOW, wala pang ingay sa kampo ni Senador Lapid kung tatakbo pa itong senador sa susunod na halalan.

Kaya lang, sa kanyang pagtanggap ng seryeng Little Champ sa Kapamilya, mukhang ang pagharap sa kamera muna ang tututukan ng magiting na senador.

Maybe dahil wala si Senador Lapid sa top 10 among senatoriable surveys kaya’t tutok muna ito sa showbiz.

‘Di gaya ni senator Loren Legarda na siyang nag-top 1 among senatoriable surveys with 67.3% as conducted by Pulse Asia Survey from August 31 to September 7.

—@@@—

SALAMAT naman at natanggal na sa X Factor Philippines elimination si Kedebon Colim, ang pinakakontrobersiyal na finalist na pumasok sa top 5.

Bakita nga raw ba nakalulusot pa si Kedebon samantalang ‘di naman kagandahan ang boses?

Kung nais naman nilang gawing komedyante si Kedebon, sana’y kinausap na lamang nila ito nang masinsinan at huwag bigyan ng ilusyon na kaya nitong maging first X-Factor grand winner.

Kakaloka! But with Kedebon’s elimination, babalik na muli ang kumpiyansa ng mga tao sa nasabing programa.

Tigilan na kasi ang text votes etchos dahil sa deliberations among judges, puwedeng mangyari ang hindi dapat mangyari.

Gaya sa kaso ni Colim, pinalusot ito ng mga hurado gayung katawatawa naman ang kanyang performance.

May balita ngang ipapareha si Kedebon kay Melai Cantiveros.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply