Kelot binaril, kritikal

PAGHIHIGANTI ang tinitignan anggulo ng mga pulis matapos barilin sa puwet ang isang pahinante ng isa sa dalawang hindi pa kilalang mga suspek sa Malabon City kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa puwet si Antonio Paragua, 38 ng Mabolo rd., Potrero ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-11 ng umaga, nagsasalansan ng mga bote ng softdrinks ang biktima sa ibaba ng delivery truck sa Cobalt st., Goldendale, Potrero ng lungsod nang dumating ang suspek at isa ang tumawag ng Tonet.

Sumagot ng bakit ang biktima na naging dahilan upang makumpirma ng mga suspek ang kanilang hinahanap at walang salitang bumunot ng baril ang isa saka pinutukan ang biktima.

Kahit may tama ay nagawa ng biktima na makatakbo. Tumakas naman ang mga suspek sakay ng tricycle na hindi na nakuha ang plaka habang dinala naman sa MCU si Paragua.

Lumalabas na madalas masangkot sa gulo ang biktima kung saan ang pinakahuli ay nasangkot sa saksakan sa kanilang lugar na sinasabing niresbakan ng mga nakaaway.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply