Kelot binaril na, sinaksak pa

TODAS ang isang construction worker matapos pagtulungan saksakin at barilin sa tapat ng bahay ng tiyahin ng dalawang salarin na kalugar sa Gen. T. De Leon Valenzuela City.

Dead on arrival sa pagamutan si Roel Garcia, 26, binata, ng G111 Lower Tibagan ng nasabing barangay sanhi ng tinamong isang tama ng di pa batid na kalibre ng baril sa kanang sintido at isang malalim na saksak sa kaliwang dibdib.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin na sina Fernando Regacho Jr,  at ang kasama nitong nakilala sa alyas na Arthur na kapwa kalugar ng nasawi.

Ayon sa ulat, dakong alas 11:45, ng gabi ng maganap ang insidente sa tapat ng bahay tiyahin ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid kay Chief Insp. Noel Ramirez, hepe ng Station Investigation Unit (SIU) ng Valenzuela police, nag lalakad ang biktima kasama ang isang Merlyn Delingco para pumunta sa bahay ng kanilang tiyahin na si Merlyn Garcia ng biglang sumulpot sa daan ang mga suspek at pinaputukan ni Regacho sa sintido habang sinaksak naman ni Arthur sa dibdib  na nagresulta sa kamatayan ng biktima.

Bago maganap ang insidente, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Regacho at Garcia may isang linggo ng nakakaraan.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad, habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa mga salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply