Kelot binaril sa loob ng bus, patay

PATAY ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa kilalang lalaki sa loob ng pampasaherong bus sa Caloocan City.

Dead on spot sanhi ng tama ng bala sa kanang sentido si Dennis Narciso, 36 ng H. Bautista st., Arkong Bato, Valenzuela City.

Batay sa ulat, dakong alas-6:30 Sabado ng gabi, sakay ang biktima sa pampasaherong bus (ZJB-770) paluwas ng Maynila at pagsapit sa North Luzon Expressway ng Pulilan, Bulacan ay pinaputukan ng suspek.

Nang puntuhan ng konduktor na si Jonathan Basa ay nakitang duguan at nakabulagta ang biktima sabay inutusan ng suspek ang driver na ipagpatuloy ang pagmamaneho.
Sinabihan pa ng suspek ang mga pasahero na magpunta sa likuran bahagi ng bus.

Pagsapit sa tapat ng Manila Central University Hospital sa EDSA, Monumento ay pumara ang suspek at mabilis na tumakas dala ang baril.

Agad na diniretso ng driver ang bus sa kanilang opisina sa 10th avenue bago humingi ng tulong sa mga pulis kung saan nang respondehan ay nakitang ang bangkay ng biktima at nakakuha ng deform slug ng kalibre .45.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply