Kelot inundayan ng saksak, tigok

UTAS ang isang lalaki matapos itong mapagtripan saksakin ng grupo ng suspek habang naglalakad pauwi kaninang madaling araw sa Valenzuela City.

Dead on arrival sa pagamutan ang biktimang si Arpet Buaron, 31, residente ng Asia Compound, Canumay West ng  lungsod sanhi ng maraming saksak sa ibatibang parte ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Joven ng nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Oxina, dakong 1:15 ng madaling araw ng  mangyari ang insidente sa kanto ng Fortune 4, Barangay Parada, Valenzuela.

Ayon kay Chief Insp. Noel Ramirez, hepe ng Station Investigation Unit ng Valenzuela police, naglalakad  pauwi ang biktima kasama kaibigan nito ng makasalubong ang grupo ng lasing na suspek na nagalit ng di sadya masulyapan ng paningin ng una .

Agad nagalit ang suspek at naghamon ng suntukan subalit dahil sa marami ang bilang ng grupo ni Joven  umiwas na lamang ang biktima pero lingid sa kalaman nito agad itong nagbunot ng patalim at sunod-sunod na inundayan ng saksak na ikinasawi ng biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply