Kelot kalaboso sa pangingikil sa pipi’t bingi

KULONG ang kelot habang nakatakas ang kasamang bebot matapos hingan ng pera ang isang pipi’t bingi upang tigilan na ang pambu-bully ng mga una sa huli sa Valenzuela City, kahapon, Setyembre 12.

Nahaharap sa kasong robbery extortion sina Martin Reyes, 20 habang nakatakas si Eira Mae Dela Cruz kapwa ng Lawa, Obando, Bulacan.

Sa pahayag ni June Roa, humingi sa kanya ng tulong ang biktimang si Jaycel Tano, 29 ng nasabing lugar na humihingi ng P15,000 ang mga suspek upang tigilan na ang pambu-bully ng mga suspek.

Humingi ng tulong sa mga pulis sina Roa at napagkasunduan na ibibigay ang pera sa SM Valenzuela City.

Dakong alas-2:30, nagkita ang biktima at mga suspek sa overpass ng SM Supermart sa Karuhatan ng lungsod at iniabot ang limang tig-iisang libo na may ultra violet powder kay Reyes na naging hudyat upang damputin ng mga nakapaligid ng mga pulis at dalhin sa presinto habang nakatakas si Dela Cruz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply