Kelot kinatay ng ex-BF ng kinakasama

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan— Patay ang isang 33-anyos na lalaki nang pagsasaksakin siya ng ex-boyfriend ng kinakasama niya habang natutulog sa kanilang bahay sa Northgate Classica, Brgy. Sto. Cristo, ng nasabing lungsod, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Gregorio Patayan, tubong Pangasinan, ng Area-E, Sapang Palay, kapwa ng SJDM, Bulacan.

Sa ulat ni SJDM City Police Chief P/Supt. Raniel M. Valones, kinilala ang suspek na si Robinson Tenedero, 29-anyos, tubong Samar, ng Lambakin Yawsan Poultry, Kurba, Brgy. Sto. Cristo at dating boyfriend ng kinakasama ng biktima.

Sa imbestigasyon ni PO2 Danilo Desder ng SJDM City police, may hawak ng kaso, habang magkatabing natutulog ang biktimang si Gregorio at ang girlfriend nitong si Loreli Go, 32-anyos, sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima, palihim na pumasok si Tenedero at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan dahil sa sobrang selos at galit.

Kaagad na tumakas ang suspek matapos na maisagawa ang krimen patungo sa direksyon ng Brgy. Tungkong Mangga ng nasabing lungsod.

Naisugod naman sa ospital ang biktima ng mga rumespondeng pulis subalit ideneklara itong dead on arrival ng mga manggagamot.

Nakuha sa pinangyarihan ng kimen ang isang kitchen knife na ginamit sa krimen at ang pares ng tsinelas ng tumakas na suspek.

Nagsasagawa ng follow-up operations ang mga awtoridad para sa ikadarakip ng suspek.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply