Kelot kinuyog, binaril ng 6 lalaki sa Malabon

TODAS ang isang kelot matapos kuyugin at malapitang barilin ng isa sa  anim  na kalalakihan habang ang una ay naglalaro ng computer game kagabi Sept. 6 sa Brgy. Catmon, Malabon City.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Jonh Michael Ira, aka Mekmek, 22, ng Stio 6 ng nasabing barangay sanhi ng isang tama ng bala ng dipa batid na kalibre ng baril sa ulo nito.

Mabilis namang tumakas ang anim na mga  suspek matapos maisagawa ang krimen.

Base sa pinagsanib na imbestigasyon ni SP03 Ferdinand Espiritu, at P03 Rommel Habig ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon police, alas 10:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa isang computer shop sa nasabing lugar.

Nabatid na naglalaro ng computer game  ang biktima kasama ang dalawa pang kaibigan nito nang biglang dumating ang  grupo ng kalalakihan at walang sabi-sabi agad na nagbunot ng baril ang isa sa suspek at malapitang binaril sa ulo  si Mekmek.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply