Lalaki kalaboso sa bato

SWAK sa kulungan ang isang kelot matapos mahulihan ng shabu sa Valenzuela City.

Nakilala ang suspek na si Arthur Salguero, 41, ng Saint John Villas Subd., Mapulang Lupa ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8 ng gabi, nagsasagawa ng surveillance ang mga pulis sa nasabing lugar laban sa sinasabing tulak na nakilala lang sa alyas na Gigi.

Naispatan ng mga pulis ang hindi mapakaling suspek na naging dahilan upang lapitan at kapkapan kung saan nakuhanan ng dalawang sachet ng shabu na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply