Kelot na sinilaban ang sarili, dating miyembro ng Scout Ranger

DATING awtoridad ang lalaking nagsilab sa sarili sa loob ng Magellan’s Cross shrine sa Cebu Huwebes ng umaga.

Kinilala itong si Exequiel Geneston, 74-anyos, dating miyembro ng Scout Ranger at residente ng Barangay Lorega, Cebu City.

Tumanggi namang magsalita ang pamilya ni Geneston sa mga mamamahayag pero ayon sa mga kapibahay nito, papunta dapat ang matandang lalaki sa Bohol nitong Huwebes ng umaga.

Sa katunayan, hinatid pa siya ng kanyang anak na babae sa pier.

Nasorpesa rin ang pamilya ni Geneston nang malaman na nagbuhos ito ng gasolina at saka sinilaban ang kanyang sarili sa loob mismo ng Magellan’s Cross na nasa labas lamang ng Basilica del Sto Nino.

Sa kasalukyan, si Geneston ay isinasailalim sa masusing gamutan sa Cebu City Medical Center.

Hindi pa rin malaman ng pulisya kung bakit tinangka ni Geneston na sunugin ang sarili.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply