Kelot nagnakaw ng panabong na manok, todas

DAHIL lamang sa pagnanakaw ng panabong na manok, isang 23 anyos na binata ang napatay nang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay kahapon ng hapon sa Pasay City.

Hindi na umabot ng buhay sa Pasay City General Hospital(PCGH) sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si John Mark Aquino residente ng 667 D.Jorge St. Vigina M.Dela Cruz ng naturang lungsod.

Samantala, nagsagawa na ng manhunt operation ang pulisya laban sa kapitbahay nitong suspek na kinilaalang si Nazareno Caducoy 23 anyos binata na tumakas tangay ang kitchen knife na ginamit sa pagpatay sa biktima.

Batay sa salayasay ni Susan Monte De Ramos isang Brgy.Tanod ng Brgy.130 Zone-13 dakong alas:5:25 kamakalawa ng hapon maganap ang krimen nang ibulalas ng suspek ang kimkim na galit sa biktima dahil sa umano’y pagnanakaw ngnakataling pansabong na manok.

Nang magpanagpo ang landas ng dalawa, nanumbalik sa alaala ng suspek ang ginawa ng pagnanakaw ng kanyang panabong at agad nitong nilapitan ang biktima at sunod-sunod sinaksak sa ibat-ibang parte ng katawan na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply