Kelot nagpakamatay dahil sa textmate

WINAKASAN ang buhay ng isang lalaki sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili matapos mabasa ang text message ng kanyang live-in partner, ayon sa ulat ng pulisya ngayon sa Cagayan de Oro City.

Kinillala ang biktima na si Dexter Paraguya, 25 anyos, na naninirahan sa barangay Cugman, Cagayan de Oro City.

Napag-alamang agad na namatay ang biktima matapos magbaril sa sarili dahil lamang sa isang text message na nabasa ng live-in partner nito mula sa textmate umano ng biktima na siyang naging dahilan ng kanilang pag-aaway.

Dinibdib umano ng biktima ang banta ng live-in partner na iiwan ito dahil sa nasabing textmate.

Tama ng bala sa kaliwang dibdib mula sa 38 kalibreng baril ang ikinamatay ng biktima.

Kaagad itong isinugod sa hospital ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply