Kelot nakuryente, tigok sa Maynila

PATAY ang isang 30 anyos na lalaki ng makuryente sa kinukumpuni nitong “wire extension” sa kanilang bahay kagabi sa ilalim ng tulay sa Estero de Concordia, President Quirino Ave., Paco, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Maynila (OSMA), ang biktimang si Alvin Isip, pedicab driver, ng No. 1864 President Quirino Ave., Paco.

Sa report ni PO3 Julieto Malindog, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-8:30 kagabi nang maganap ang insidente sa mga barong-barong na nakatayo sa ilalim ng tulay ng Estero De Concordio Paco, Maynila.

Nabatid na nawalan umano ng suplay ng kuryente sa lugar subalit makalipas lamang ang isang oras ay muling naibalik ang ilaw maliban sa barong-barong ng biktima.

Dahil dito, nagtungo ang biktima sa isang Arturo Marciano Jr., upang pansamantalang makikonekta ng kuryente.

Habang inaayos ang extension wire papunta sa kanyang bahay ay nahawakan nito ang live wire dahilan upang siya ay makuryente.

Nagkikisay ang biktima hanggang nawalan ito ng malay tao at hindi na nagising pa nang isugod siya sa ospital.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply