Kelot nang-agaw ng baril, patay; pulis sugatan

SUGATAN ang isang tauhan ng Manila Police District, habang patay naman ang isa sa hinihinalang miyembro ng “akyat bahay gang” makaraang magresponde, dahil sa tawag sa telepono sa Tondo, Manila kamakalawa ng hapon.

Inilarawan ang nabaril at napatay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nasa edad 25 hanggang 28 anyos ; nasa taas na 5’6 ; semi-kalbo; katamtaman ang laki ng pangangatwan; naka suot ng kulay asul na jacket; berdeng fatigue na short; abuhing sapatos na goma at itim na medyas.

Samantala, mabilis namang nakatakas ang kasama nito, habang nasa komosyon ang pulisya at ang napatay na suspek.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det.Rodel Benitez kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng MPD-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 4:00 ng hapon, nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Capulong St., sa Tondo.

Bago ang insidente, isang Leah Miral ang humingi ng tulong sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono sa MPD-Raxabago Police Station 1, hinggil sa dalawang lalaki na aaligid-aligid sa kanilang bahay sa 122-C -2 Capulong St., sa Tondo.

Matapos maiparating kay SPO3 Bienvenido Uy, Desk Sargent ng nasabing himpilan ng pulisya, at agad naman niya itong pinarespondehan kina PO2 Roberto Benitez at PO2 Raymundo Boco, kapwa tauhan ni P/Supt. Alexander Navarrete at agad nilang tinungo ang sinasabing suspicious looking sa lugar.

Tinangkang sitahin ang dalawa, na kapwa ito naka-backpack, at ng makalapit nagulat na lamang si PO2 Benitez, nang agawin sa kanyang baywang ang service fire arm at paputukan ito sa kanang braso, pero naging maagap naman si PO2 Boco at agad din nitong pinaputukan ang suspek at tamaan ito sa katawan.

Kasabay nang mabilis na pagtakas palalayo ng umano’y kasamahan ng nabaril na suspek, mabilis namang isinugod ang mga ito sa Tondo Medical Center, ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang hinihinalang holdaper, habang inoobserbahan naman si PO2 Benitez.

Narekober sa crime scene ang isang improvised na shotgun o mas kilala sa sumpak ; 1 martilyo at 2 jungle bolo na nakalagay sa kanilang bag pack.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply