Kelot napagtripan tinarakan, kritikal

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang 23 anyos na binata makaraang mapag-tripang tarakan ng icepick kaninang madaling araw sa Pasay City.

Inoobserbahan sa Juan De Dios Hospital ang biktima na kinilalang si Rodelio Olivera residente ng Block-38 Lot-6 Sto Nino Brgy.145 Zone-16 ng naturang lungsod.

Samantala, ang suspek na kinilala lamang sa alyas “Talbos” ay tumakas makaraan ang madugong insidente.

Batay sa ininsiyal na imbestigasyon ni SPO4 Ronaldo Frades ng Homicide Section ng Pasay City Police, ang insidente ay naganap dakong alas:2:20 ng madaling araw ng matagpuang nakahandusay sa harapan ng isang Computer Shop ang biktima na may tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kaagad tinulungan ng tatlong kabataan ang biktima at isinugod sa naturang pagamutan na nag-aagaw buhay.

Ayon sa tatlong lalaki na nag-iinuman sa harapan ng isang tindahan ng Barbeque ng mapansin nilang dumaan sa kanilang harapan ang biktima patungong Narra St. at makalipas ang ilang sandali ay nakita nila itong nakahandusay na may saksak sa maselang parte ng katawan.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang tunay na motibo ng pananaksak sa biktima at inaalam sa mga pulis ang tunay na pagkikilanlan ng isang alias Talbos na sumaksak sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply