Kelot sinilaban ang sarili sa Cebu City

NAKARATAY ngayon sa ospital ang isang hindi nakilalang lalaki na nagsunog mismo sa kanyang sarili sa loob ng Magellan’s Cross shrine sa Cebu City kaninang umaga.

Ayon sa ulat sa radyo, binuhusan umano ng lalaki ng gasolina ang kanyang katawan saka sinilaban.

Habang nagliliyab ay nakita ito ng mga guwardiya ng Basilica Menore del Santo Niño na naapula naman makaraang gamitan ng fire extinguisher ng Cebu City Hall na nasa tapat lamang ng shrine.

Kaagad nilapatan ng paunang lunas ang lalaki ng mga rumespondeng miyembro ng Emergency Rescue Unit Foundation (EROF) bago dinala sa Cebu City Medical Center.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply