Kelot tigok, mag-asawa, kritikal sa pamamaril

NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang walong buwang buntis kasama ang kanyang mister matapos pagbabarilin ng di kilalang mga suspek habang palabas sa isang swimming resort na ikinamatay ng isang biktima na umawat sa alitan sa lungsod ng General Santos.

Kinilala ang mag-asawa sina Loremae Bartolaba, 27-anyos, na tumagos ang bala sa kanyang tagiliran habang apat na tama ng bala tumama kay Felipe Flores, 24-anyos kapwa  residente ng Poblacion, bayan ng Glan, lalawigan ng Sarangani.

Ayon kay Loremae, nag-ugat ang pamamaril sa simpleng alitan nang humarang ang suspek sa kanilang dinadaanan palabas ng Olaer Swimming resort na ikinagalit pa ng mga suspek at sila pa ang pinagbabaril habang nakasakay sa isang tricycle.

Dahil dito, nilapitan ng biktimang si Ricky Flores ang mga suspek upang umawat subalit siya ang pinagbabaril ng suspek dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa ngayon ay nasa ligtas ng kalagayan ang mag-asawa bagamat patuloy pa silang ginagamot sa General Santos City Hospital habang patuloy namang pinaghahanap ang tatlo  mga suspek na sakay sa isang DT motocycle na tumakas matapos ang pamamaril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply