Kelot tinaniman na bala sa ulo, dedo

INAALAM ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa isang 24-anyos na lalaki nang barilin ito ng malapitan sa ulo ng hindi nakilalang salarin habang naglalakad patungo sa isang canteen ilang metro lamang
ang layo sa detachment ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Dead on arrival sa Ospital ng Makati ang biktimang si Ryan Bert, residente ng Blk 316 Lot 2 Maya St., Barangay Rizal sanhi ng tinamong tama ng bala mula hindi pa batid na kalibre ng baril.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Alfred Reyes ng Homicide Division ng Makati police, nagtungo ang biktima, kasama ang kanyang asawa sa Pasia Medical Clinic sa Maya St. para sa regular na maternity check-up ng
ginang sa panahon ng kanyang pagbubuntis.

Dakong alas-5 ng hapon nang lumabas ng klinika ang biktima upang bumili ng pagkain sa kalapit na canteen nang sundan umano ng nag-iisang suspect at kaagad na binaril ng malapitan sa ulo sa hindi
pa mabatid na dahilan.

Makaraan ang pamamaril, tumakas at naglakad lamang patungong Taguig City ang salarin habang isinugod naman sa pagamutan ng ilang mga nakasaksi ang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply