Kelot tinarakan sa dibdib ng kainuman, todas

PATAY ang isang lalaking basurero nang pagsasaksakin sa dibdib ng umano’y nakainuman nito kaninang madaling araw sa Sta.Cruz,Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 55 – 60, may taas na 5’ -5’3, katamtaman ang pangangatawan, at naka-suot ng kulay brown na T shirt at camouflage pants.

Nakatakas naman ang dalawang di nakilalang suspek.

Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District -Homicide section, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima sa panulukan ng Rizal Ave., at Yuseco Sts., Sta. Cruz, Maynila.

Sa pahayag ni Alberto Berdum, katatapos lamang nito magdeliver ng bulaklak sa L. Abad Santos, Tondo at pabalik na sa Dangwa nang madaanan ang biktima na duguan.

Agad nitong inireport sa MPD-Station 3 na tumawag naman sa MPD-homicide section para sa imbestigasyon.

Sa impormasyon nakuha ng pulisya, huli umanong nakitang nakikipag-inuman ang biktima sa mga suspek hanggang sa nakita na lamang na naka-handusay ang biktima at may dalawang tama ng saksak sa dibdib.

Nakuha malapit sa biktima ang isang stainless na kitchen knife.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping, habang patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen at pagkakilanlan ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply