Kelot todas sa saksak

TODAS ang isang construction worker matapos itong saksakin ng nagwawalang kapitbahay Lunes ng gabi Sept. 24 sa  Brgy. Viente Reales, Valenzuela City.

Dead on arrival sa Valenzuela Medical Center si Marco Cabrera y Capili, 21, may asawa, ng 650 Molina St.ng nasabing barangay sanhi ng isang malalim na saksak sa tiyan.

Mabilis namang tumakas ang lasing na salarin na si Noel Badella ng nasabing lugar bitbit ang patalim na ginamit.

Ayon sa ulat, dakong alas 11:00 ng gabi ng maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Ayon kay Chief Insp. Noel Ramirez, hepe ng  Station Investigation Unit (SRU), lasing ang suspek at naghahamon ng away sa kanilang lugar ngunit nagkataon namang lumabas ang biktima sa kanilang bahay para bumili sa tindahan. Dala ng hinala ni Badella na kakasa ito kaya agad nagbunot ng patalim at  tinarakan ang biktima.

Mabilis na dinala ang duguang biktima sa ospital para isalba pa ang kanyang buhay subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng buhay.

Pormal na sinampahan ng kasong murder at large sa piskalya ng Valenzuela ang tumakas na salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply