Kelot todas sa tulak

PATAY ang isang 36 anyos na lalaki matapos itong barilin ng umano’y Muslim na hinihinalang naka-onsehan sa droga kagabi sa Sta.Cruz, Maynila.

Dead on arrival sa Metropolitan hospital ang biktima na si Rommel; Ancheta, 36, binata, walang trabaho ng 832 Oroquita St., Sta.Cruz, Maynila.

Nakatakas naman ang suspek na nakilalang si Alias Awi, 24, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi, semi-kalbo at kilala umanong drug pusher at nakatira sa Muslim center sa Quiapo.

Sa report ni SPO1 Gerardo Rivera, dakong alas 9:00 kagabi nang maganap ang insidente sa squatters area sa brgy. 848 Zone 310 Oroquita, Sta.Cruz, Maynila.

Nauna rito, nagpunta umano ang suspek at isang buntis na babae na nakilala sa pangalang Bekbek upang kausapin ang biktima.

Habang nag-uusap ang tatlo sa labas ng bahay ng biktima ay bigla na lamang nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at ipinutok sa dibdib ni Ancheta.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek kasama si Bekbek.

Nakuha sa crime scene, ang dalawang basyo ng .45 kalibre ng baril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply