Kilabot na tulak, 1 pa arestado sa shabu

HINDI kukulangin sa 21 sachet ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang kilabot na tulak ng iligal na droga at sa kasamahan niya matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Valencia City  nitong Setyembre 10, 2012.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., nasamsam ang 21 sachet ng shabu na may bigat na 1.5 grams kay Jaime Olorvida, 50-anyos, kilalang tulak at kabilang sa PDEA Provincial Order of Battle, taga-Purok 17, Hindangon, Poblacion, Valencia City, Bukidnon; at kasamahan nitong si Sherwin Rivera, 38, ng Purok 4, Aglayan, Bukidnon.

Ang dalawang suspek ay nadakip ng mga tauhan ni PDEA Regional Office 10 (PDEA RO10) Director Roberto Opeña sa buy-bust operation sa Purok 17, Hindangon, Poblacion, Valencia City, Bukidnon matapos bentahan  ng shabu ni Olorvida ang isang poseur-buyer ng PDEA hanggang sa madiskubre pa sa kanya ang karagdagang 19 na sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, isang granada at maraming bank cash deposit slips.

Nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang dalawang nahuling suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply