Kilabot na tulak sa San Mateo, Rizal natimbog

RIZAL— Nagwakas ang matagal nang pamamayagpag ng isang kilabot na tulak ng droga sa bayan ng San Mateo matapos na maaresto sa isinagawang drug bust operation Lunes ng gabi.

Kinilala ni San Mateo chief of Police P/Supt. Ruben Piquero ang suspek na si Jeffrey Dimaano, alyas “Jepoy”, 20 anyos, binata, residente ng Purok 1, Buntong Palay, Brgy. Silangan ng nasabing bayan.

Sa ulat, nadakip ang suspek dakong alas-9:30 ng gabi sa harapan ng kanyang bahay sa nasabing lugar kung saan ay nagkaroon ng transaksiyon na bibili ng shabu ang isang poseur buyer.

Nabatid na kumagat ang suspek sa poseur buyer nang maglabas ito ng tatlong dadaanin at agad na dumukot ng dalawang pakete ng shabu sa kanyang bulsa.

Nang iaabot na ng suspek ang dalawang pakete ng shabu sa poseur buyer ay dito na siya dinakma kasabay ng pagdating ng mga kasamahang pulis.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang dalawang pakete ng shabu at tatlong one hundred peso bill.

Ayon kay Supt. Piquero, matagal na nilang minamanmanan ang suspek at nang masiguro nilang positibong nagtutulak ay agad na nag-apply ng pre-operational report mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at RIZPAIDSOTF.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa section 5 and 11 ng Republic Act 9165 o mas kilalang Dangerous Drug Act.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply