Kinantiyawan lang: Mrs. Marzan safe sa piitan

TINIYAK ngayong umaga ng Jail officials na ligtas si Analiza Marzan sapagkat ang mga babaeng preso sa Camp Karingal female dormitory ay hindi pinapayagan magpasok ng plantsa.

Sinabi ni SJ04 Eduardo Cuaresma, na hindi naman siguro tototohanin ang banta ng mga babaeng preso na kung anong pananakit ni Analiza sa kanyang kasambahay na si Bonita Baran ay matitikman din nito kapag hindi ito umayos sa pagkilos habang nakakulong sa natrang kulungan.

“Baka kinakantiyawan lamang nila si Analiza nang dumating ito nitong nakaraang Huwebes pero hindi naman nila iyon tototohanin, patawang sambit ni Cuaresma.

Bukod pa rito, ipinagbabawal din ang pagdadala ng plantsa sa loob ng female dormitory dahil ito ay maaaring makasakit kapag ginamit na armas laban sa kapwa preso.

Nag-ugat ang naturang pangangantiyaw nang sabihin ni Baran na minsan nang plinantsa ni Analiza ang kanyang mukha at iba pang klase ng pananakit.

Tahimik aniya lamamg si Analiza sa kanyang unang gabi sa female dormitory sa Camp Karingal, sa Barangay Sikatuna Village, at may kasama siyang ibang babaeng preso.

Si Reynold naman ay nasa isang selda ng QCJ kasama ang ilan sa mga presong lalaki na walang gang na kinaaaniban.

Masuwerte naman si Reynold dahil inihabilin siya para huwag saktan o kulitin ng mga preso.

Nitong nakaraang Huwebes, ibinasura ni Judge Germano Francisco Legaspi ng Quezon City Regional Trial Court Branch 77 ang kahilingan ng magasawa na ikulong sila sa National Bureau of Investigation headquarters sa Ermita, Maynila at imbes ay ipinakulong sila sa QCJ.

Kinasuhan ni Baran ang mag-asawa ng serious illegal detention.

Nahaharap pa rin sa kasong two counts ng attempted homicide at seven counts ng serious physical injuries si Analiza.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply