Klase sa ilang paaralan sa MM sinuspinde

SINUSPINDE ang pasok sa eskwela sa ilang paaralan sa Metro Manila dahil sa malakas na pag-ulan simula pa kagabi, Setyembre 10.

Kabilang sa nagsuspinde ng klase ay ang University of Santo Tomas (UST) sa Espana, Manila, dahil sa pagbaha at pagka-stranded ng mahigit 1,500 estudyante nito.

Suspindido din ang klase sa UE Manila at UE Caloocan mula pre-school hanggang high school.

Kanselado rin ang klase sa lahat ng antas sa St. Jude College Manila.

Wala namang pasok ang high school ng Perpetual Help College Manila.

Ilang kalsada rin ang nalubog sa baha sa Maynila kagabi gaya Magsaysay Boulevard, R. Papa at ilang bahagi pa ng Sampaloc.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply