Knights babarakuhin ang Blazers

PARA manatiling malakas ang tsansa ng host Letran Knights na makapasok sa Final Four ay kailangan nilang talunin bukas ng gabi ang College of Saint Benilde Blazers nagaganap na 88th season ng NCAA men’s basketball tournament sa San Juan Arena.

Nasa solo panglimang puwesto ang Knights na may 7-6 win-loss card at hinahabol nito ang magkasalo sa third at fourth spot na Perpetual Help Altas at Jose Rizal University Heavy Bombers tangan ang 8-5 karta.

Nagwagi ang Letran sa huling laban nila kontra Lyceum of the Philippines Pirates, 76-60 kaya inaasahan na sasandalan nila ito upang makihalo sa F4.

Samantala, nagsosolo pa rin sa unahan ang defending champion San Beda College Red Lions kagat ang 11-2 baraha.

Nagtuloy-tuloy ang pamamayagpag ng Red Lions sa unahan ng talunin nila ang Heavy Bombers, 67-45 kagabi.

Bukod sa opensa ay mahigpit na depensa ang naging susi ng San Beda para limitahin ang JRU sa 17 puntos sa huling dalawang canto.

Nagsosolo naman sa pangalawang puwesto ang last year’s runner up San Sebastian College Stags pasan ang 10-3 karta.

Bago magharap ang Letran at Saint Benilde ay maglalaban muna ang Mapua Cardinals at Stag sa alas kuwatro ng hapon.

Kailangan ng Cardinals na manalo upang kahit papaano ay may pag-asa pa sila na makapasok sa semifinals.

May kartadang 5-8 ang Mapua.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply