Knights manunungkit ng panalo

PIPILITIN ng host Letran Knights at Mapua Cardinals na kaldagin ang kanilang mga katunggali bukas ng hapon upang makalapit ng bahagya sa inaasam na top 4 sa nagaganap na 88th season NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Nasa fifth spot ang Knights tangan ang 6-6 win-loss slate sinusundan sila ng Cardinals na may 5-7 karta kung saan ay may nalalabing tig-anim na laro na lamang ang magkalugar na Letran at Mapua.

Makahaharap ng Knights ang kapitbahay sa Intramuros na Lyceum of the Philippines Pirates sa alas-kuwatro ng hapon habang ang Cardinals ay makalalaban ang Arellano U Chiefs sa main event.

Importante ang panalo ng Letran at MIT upang makalapit sila sa Jose Rizal University Heavy Bombers at Perpetual Help Altas na magkasalo sa third to fourth spot hawak ang 8-4 panalo-talo karta.

Nagsosolo naman sa unahan ng team standings ang defending champion San Beda College Red Lions na may 10-2 card habang nasa pangalawang puwesto ang San Sebastian College Stags bitbit ang 10-3 karta.

Sasandala ni coach Louie Alas ang anak nitong si Kelvin upang sikwatin ang panalo ng Knights kontra Pirates na lubog sa 2-10 baraha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply