Konkretong mapa para sa kaunlaran kailangan – Magsaysay

ANG pagtaas ng rango ng Pilipinas sa World Economic Forum World Competitiveness Report ay dapat magsilbing hamon sa bansa na lalong pag ibayuhin ang pagsisikap upang makapantay o malagpasan pa ang mga karatig bayan sa Asya at maging ibang rehiyon sa mundo.

Ayon kay Zambales Rep. Mitos Magsaysay, “Magandang balita na napapansin na ang unti unting pag angat ng ating competitiveness at ang ating potensiyal na mapabilang sa mga umuunlad na bansa sa mundo. Magaling ang ipinakita ng ating pamahalaan sa pagsugpo ng katiwalian na nagpatas ng tiwala ng mga mangangalakal sa bansa.”

“Kaya lamang, marami pa rin tayong dapat gawin, lalo na sa paglalatag ng isang konkretong plano para sa ekonomiya ng bansa. Ito ay kailangan upang ma-monitor natin ang ating estado at matukoy kung epektibo ba ang mga programang ipinapatupad. Kabilang dito ang pagsasaayos ng mga polisya na lalong aakit sa mga dayuhang investor na magpapasok ng bagong kapital sa bansa,” sabi ni Magsaysay.

Sinabi ni Magsaysay na tayo ay kasalukuyang humahabol pa rin sa mga karatig bansa sa Asya at mainam na pag aralan din natin ang programang kanilang ipinapatupad upang mapagbuti pa natin ang mga proyekto sa Pilipinas.

“Mula noong nakaraang taon ay tumalon tayo ng 10 rango, gayun din ang nangyari noong nakalipas na taon pa. Kung tutuusin ay consistent naman ang pag unlad ngunit kailangan pang lalong ipakita natin sa mundo na seryoso tayo sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.
Dapat ay lagpasan pa natin ang kasalukuyan nating bilang at ipakita ang ating potensiyal.

Ani Magsaysay, ang pinakamainam na sandata rito ay ang ating human resources na pinag aagawan ng iba’t ibang bayan dahil sa kagalingan at pagiging propesyunal.

“Hindi na nila kailangan pang mangibang bayan, gamitin natin sila sa pagpapaunlad ng ating bayan. At upang mangyari iyon ay dapat hindi natin ipagsantabi ang matibay na pundasyon sa edukasyon. Kabit kabit lahat ang mga iyan. Tignan natin ang buong eksena at hindi isang bahagi lamang. Wala dapat aspetong maiwanan, “ sabi ni Magsaysay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply