Konting ulan, trapik na

TUMIGIL ang malaking bahagi ng Metro Manila kamakalawa ng gabi dahil sa trapik. Nagkandatrapik-trapik dahil sa konting ulan lalo na sa mga lungsod ng Maynila at Quezon City.

Pinalala ng trapik ang hindi paglusong sa baha ng mga mababang sasakyan gaya ng mga kotse at nagbara ang mga ito sa daan.

Dahil nga sa trapik, maraming motorista ang basta na lang tumigil dahil naubusan ng gasolina o diesel.
Maraming mamamayan ang bumaba sa mga pampasaherong sasakyan at naglakad na lang.

Sa kadena ng mga kargo trak na nadamay sa trapik, nakupo, milyones na halaga ng negosyo ang neperhuwisyo sa pagka-delay ng deliberi.

Ang iba, basta na lang bumalik sa kanilang mga opisina at doon na lang nagpalipas ng oras sa magdamag o natulog kaya.

oOo

Gaya ng dati, wala kang makitang mga taong gobyerno na nagtatrapik. ‘Alang umaalalay sa mga mamamayan na naglalakad sa baha.

Habang kinakapitan ng leptospirosis ang mamamayan sa paglalakad sa mga baha, tila natutulog lang nang mahimbing ang maraming taong gobyerno na may magaganda pang panaginip.

Kung may mga aktibo mang nasa lansangan upang umalalay, ‘yun pang naghahanapbahay sa lansangan. ‘Yung mga nagtutulak ng mga sasakyang tumirik sa baha at nawalan na ng gas o diesel.

oOo

Naalaala natin tuloy ang nagaganap sa gobyerno.

Ang gagaling ng mga ito na mag-agawan sa puwesto gaya ng nangyayari sa DILG at mag-apruba ng mga kontratang pagkakakitaan ng malalaking halaga gaya ng sa baril ng mga pulis.

Pero sa pag-alalay sa mamamayan sa oras ng kagipitan at disoras ng gabi, wala ni anino ang makita sa mga ito.

Inutil ang mga onorabol sa pablik serbis.

Warning shot, PNoy: walang silbi ang mataas na grado sa sarbey kung ganito ang nagaganap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply